(o dahil  ang totoo ay inaantok ako sa klase kanina, naglakad ako sa mahabang corridor ng UP at nakakita ng isang artikulo tungkol sa kung sino si Yoko Ono sa buhay ni John Lennon)

kilala nyo ba si Yoko Ono?

Sa mga nakakakilala sa Beatles, legendary ang pangalan nya… dahil dati, siya ang iniisip na dahilan kung bakit nakipaghiwalay si John Lennon sa asawa nyang si Cynthia at nawasak ang pamilya nila (kaya nga na-compose ni Paul McCartney ang Hey Jude… para ito kay Julian na anak ni John Lennon kay Cynthia nung nag-divorced sila)…at sya din ang itinuturong dahilan kung bakit nag-disband ang Beatles.

Kilala nyo ba si Yoko Ono?

Sya yung itinuturing na ‘weird’ artist dati…ang ‘labo’ ng kanyang mga visual art installations…at narinig nyo na ba syang ‘kumanta’? tangina…feeling mo ang galing mong singer.

Kilala nyo ba si Yoko Ono?

Nabadtrip ang magulang nya sa kanya kasi dahil galing sa mayamang pamilya, may mga expectations na gusto sa kanya…pinayagan syang mag-‘art’-‘art’, pero di siya kinaya ng pamilya nya dahil mas pinili nya ang ‘bohemian’ lifestyle kesa sa sumunod sa magulang nya.

Nung nag-meet sina John Lennon at Yoko Ono nung November 9, 1966 sa exhibit ni Yoko Ono sa Indica Gallery, bigla na lang may nag-click sa kanila. Palibhasa parehong witty at sarcastic ang humor ng dalawa kaya nagkasundo. Artist pa kaya pareho ng trip. At kaya pa nilang sakyan ang topak ng isa’t-isa…ang magpahaba ng buhok at magmukhang ermitanyo, ang “bed-ins” for peace nila, ang pilosopiya ng ‘bagism’, ang pareho nilang passion at advocacy – kapayapaan (naka-weed man sila o hindi)… tangina di ba? para lang silang karakter sa pelikulang love story (na malamang Filipino o Koreano ang direktor)

Mahirap sabihin na ‘the rest as they say is history’ pagkatapos nilang mag-meet…pareho kasi silang may sabit nun…hindi pa pwede. Pero ganun daw talaga pag nakita mo na ang soulmate mo, dapat di mo na pakawalan kahit mabadtrip pa ang buong mundo sa inyo.

Maaring romanticized ang pag-unfold ng kanilang love story pero hindi rin siguro…kasi pag nag-meet ang dalawang tao na sobrang intense at passionate, unstoppable force talaga yun…malamang magkakagulo talaga… sobrang lungkot, sobrang saya, sobrang adik, sobrang chill, hindi pwedeng gitna…hindi mediocre…alam mong sasabog silang dalawa…kung makikita mo ang pictures nila John at Cynthia Lennon at ikumpara mo sa pictures nila John at Yoko Ono, parang gustong mag-volt in ng mga katawan nila John at Yoko…yung ayaw ng maghiwalay… at kahit ilan beses pinatumbling ni Yoko Ono si John Lennon (ang haba ng buhok ni Yoko di ba?) wala eh… sila pa din hanggang mabaril si John Lennon ng p*&%^inang Mark David Chapman…

Sabi ng mga music historians, kung titingnan nga naman, nung kumalas si John Lennon sa Beatles, naging simula din ito ng kanyang discovery as an artist. Ang Imagine, ang pinakamagandang kanta sa buong mundo ay naisulat nya nung panahon nila ni Yoko Ono. John Lennon was at his best. He was producing some of his best music, being a good father, and working for different advocacies. Eh kung ganyan ‘kasama’ ang ‘impluewensya’ ni Yoko Ono sa kanya, okay na din di ba?

Bakit ko ba sinulat ang napakahabang essay na’to? (dahil hindi ko talaga kayang bigyan ng solusyon ang problema ng kahirapan sa Pilipinas na exam ko sa Phd class ko)

Kasi feeling ko hindi lahat ng tao kasing-swerte ni John Lennon at Yoko Ono. Yung makikita mo ang ka-match mo sa lahat ng bagay. Yung relasyon nila, panaginip lang natin lahat…feeling natin imposible…

Pero sana makita nyo ang Yoko Ono ng buhay nyo.

Kasi… ako ata nakita ko na.

(at akalain mo yun, nag-collaborate nga pala si John Lennon at Eric Clapton…)